Tuesday Vargas sa partner na may apat na rare diseases: "Hinding-hindi kita iiwan"

Tuesday Vargas sa partner na may apat na rare diseases: "Hinding-hindi kita iiwan"

- Emosyonal na nagbigay ng mensahe si Tuesday Vargas sa partner niyang si Joseph Puducay na mayroong apat na rare diseases

- Bago pa man ang Kapaskuhan, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Tuesday sa kanyang partner na '24/ 7 in pain' dahil sa kakaibang mga karamdaman

- Aniya, hindi nag-iisa si Joseph sa pagsubok na ito gayung hinding-hindi raw ito susukuan at hindi siya iiwanan ni Tuesday

- Sa post naman ni Joseph noong Kapaskuhan, inamin nitong hindi madali ang sakit na pinaglalabanan niya ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Madamdaming mensahe ang naibahagi ni Tuesday Vargas patungkol sa partner niyang si Joseph Puducay.

Tuesday Vargas sa partner na may apat na rare diseases; "Hinding-hindi kita iiwan"
Tuesday Vargas at Joseph Puducay (@tuesday_v)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kasalukuyan ngayong nasa ospital si Joseph dahil sa apat na rare diseases na kanya ngayong pinaglalabanan.

Dahil dito, patuloy si Tuesday sa pagpapalakas ng loob ni Joseph na sinabing hinding-hindi niya susukuan at hindind-hindi niya iiwan hanggang sa pareho nilang malampasan ang pagsubok na ito.

Read also

Andrew Schimmer, nakatakda pa umanong ikasal kay Jho isang araw matapos itong pumanaw

Sa kanyang Instagram post, ibinuhos ni Tuesday ang kanyang damdamin sa mensaheng para kay Joseph.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Mula noong unang araw na nangka kilala tayo ay alam ko na agad na may rason bakit nag krus ang landas natin,"

" Mahirap man ang pinag dadaanan natin sa ngayon ay lalampasan natin ito nang mag kasama," ang ilang linya na bahagi ng post ni Tuesday.

Samantala, sa post na ibinahagi ni Joseph noong Kapaskuhan, nasabi nitong 24/7 siyang in pain na maging ang pag-inom ng tubig ay nahihirapan pa umano siya.

Gayunpaman, tila nabuhayan siya ng loob nang may kumontak umano sa kanilang doktor na interesadong tulungan siyang gumaling.

Narito ang kabuuuan ng kani-kanilang mga post:

Kamakailan ay naging usap-usapan ang aktres, komedyante at TV host na si Tuesday Vargas matapos nitong ibahagi ang naging karansan umano sa dalawang young stars na nang isnab umano sa kanya.

Read also

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

Nagbigay pa siya umano ng update kung saan matapos niyang maisapubliko ang insidente, tinawagan siya ng road manager ng dalawang celebrity at sinubukan pa umanong i-deny ang nangyari. Ayon sa road manager, nagmamadali na raw umano ang dalawa kaya hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong batiin manlang si Tuesday na kanilang nakasama sa isang show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel