Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz

Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz

- Nagsalita si Elha Nympha laban sa mga aniya'y umaatake sa kanya na fans ni Francine Diaz

- Sa kanyang post sa X, ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa sitwasyon matapos aminin ni Jayda Avanzado na may tampuhan sila ni Francine

- Inihayag din niya ang paniniwalang sa tamang panahon, ang katotohanan ay lilitaw at malalaman ng lahat

- Bukod dito, sinagot din ni Elha ang ilang mga komento na nakikisawsaw sa isyu

Si Elha Nympha ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala sa umano'y 'pang-aatake' ng ilang fans ni Francine Diaz sa kanya habang nasa livestream siya. Sa kanyang mga social media post, ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa sitwasyon.

Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz
Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz
Source: Facebook

Sa isang tweet, sinabi ni Elha ang kanyang saloobin kaugnay sa sitwasyon at ang kanyang pagmamahal sa mga taong nauugnay dito.

Dagdag pa niya sa isa pang tweet, naniniwala siyang sa tamang panahon, ang katotohanan ay lilitaw at malalaman.

Read also

Maris Racal, nag-react sa headline na nagsabing itinodo na raw niya ang kanyang kaartehan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod dito, sinagot din ni Elha ang ilang mga komento na nakikisawsaw sa isyu.

"Makisawsaw really? I respect chin’s fans pero before pa ako mag tweet, While i was doing a livestream on tiktok ako naman inaatake nila? Like what did i do? And also please stop spreading fake issues mas lalong lumalala to," aniya.

Hindi pa rin malinaw ang eksaktong detalye ng alitan sa pagitan ng kanyang at ang mga fans ni Francine Diaz. Ngunit, ang usaping ito ay usap-usapan matapos aminin ni Jayda Avanzado na may tampuhan sila ni Francine habang si Elha naman ang palaging nakakasama ni Jayda.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa "It's Okay to Not Be Okay" star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel