Brenda Mage, napabirit ng 'At Ang Hirap': "Hindi naman masakit"

Brenda Mage, napabirit ng 'At Ang Hirap': "Hindi naman masakit"

- Nagbahagi si Brenda Mage ng video kung saan kasama niya ang mga kaibigan niya

- Sa nag-viral na video ay makikita si Brenda, na tila naglalantad ng kanyang emosyon habang nakikisabay sa awitin ni Angeline Quinto na "At Ang Hirap"

- Ang naturang video ay agad naging usap-usapan, lalo na't kamakailan lang naibahagi ni Brenda ang balitang hiwalay na sila ni Gio Sta. Ana

- Bagama't tila may halong emosyon sa kanyang mga mata at galaw, hindi naman daw masakit ang mga hirit niya

Idinaan ni Brenda Mage sa biro ang kanyang reaksiyon sa awiting, "At Ang Hirap." Hirit pa niya 'hindi naman daw masakit.'

Brenda Mage, napabirit ng 'At Ang Hirap': "Hindi naman masakit"
Brenda Mage, napabirit ng 'At Ang Hirap': "Hindi naman masakit"
Source: Facebook

Sa viral na video ay makikita si Brenda, na tila naglalantad ng kanyang emosyon habang nakikisabay sa awitin ni Angeline Quinto na "At Ang Hirap" kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang naturang video ay agad naging usap-usapan, lalo na't kamakailan lang naibahagi ni Brenda ang balitang hiwalay na sila ni Gio Sta. Ana, ang kanyang matagal nang kasintahan.

Read also

Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque

Makikita si Brenda na kasama ang mga kaibigan habang kumakanta ng "At Ang Hirap." Bagama't tila may halong emosyon sa kanyang mga mata at galaw, hindi naman daw masakit ang mga hirit niya, tulad ng mga linyang "Hindi naman masakit."

Napapansin din sa video ang masidhing suporta at pagmamahal ng mga kaibigan ni Brenda, na tila nagbibigay sa kanya ng lakas at kumpiyansa sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Bea-Dom fans, kinilig sa post ni Dominic na ayon sa fans ay aso ni Bea na si Walter

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel