Sarah Lahbati, nilinaw kung sino ang kasamang lalaki sa HK: "Met up with different friends"

Sarah Lahbati, nilinaw kung sino ang kasamang lalaki sa HK: "Met up with different friends"

- Nilinaw ni Sarah Lahbati kung sino ang lalaking kasama larawang kuha umano sa Hong Kong

- Matatandaang una itong naibahagi sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update

- Makikita sa larawan si Sarah na kasama ang isang hindi kilalang lalake na kumakain sa isang restaurant

- Ayon kay Sarah, marami siyang kinitang kaibigan nang magpunta siya sa nasabing bansa

Nilinaw ni Sarah Lahbati kung sino ang lalaking kasama niya sa larawang kuha ng isang avid viewer ng Ogie Diaz Showbiz Update.

Sarah Lahbati, nilinaw kung sino ang kasamang lalaki sa HK: "Met up with different friends"
Sarah Lahbati (@sarahlahbati)
Source: Instagram

Matatandaang naibahagi ito ni Ogie Diaz sa nasabing video sa isang episode ng kanyang channel at maging siya ay nagtatanong kung sino nga ba ang kasamang ito ni Sarah.

Nagkaroon ng pagkakataon ng Philstar News na usisain ito kay Sarah.

"I went to Hong Kong to experience the art. It's always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go," bungad ni Sarah.

Read also

Heart Evangelista kay Marian Rivera: "Congratulations and welcome back, Queen of Primetime"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"That photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends," paliwanag ni Sarah.

Sa naturang larawan, makikita si Sarah na kasama ang isang lalake sa restaurant, kasama niyang kumakain.

Gayunpaman, nabanggit din ni Sarah na hindi umano siya nababahala sa mga ganitong sitwasyon. Aniya, wala umanong masamang magkaroon ng lalaking kaibigan ang mga kababaihan lalo na sa panahon ngayon.

"Is it unfair? Is it bothering me now? It takes a lot more for something to bother me now,"

But I think as a woman, we're all allowed to have guy friends. But again, it's okay to speculate because again, I'm single and it is part of this whole new thing,"

Samantala, narito ang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update kung saan makikita nasabing larawan:

Read also

Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"

Si Sarah Lahbati ay isang Swiss-born Filipino actress na produkto ng reality show na StarStruck ng GMA. Si Sarah ang tinaguriang StarStruck V's Ultimate Female Survivor matapos ang siyam na linggo sa kompetisyon. Siya ay ikinasal sa aktor na si Richard Gutierrez.

Subalit isa sila sa showbiz couples na naghiwalay kamakailan lamang. Binalot ng kontrobersiya ang buhay mag-asawa nina Sarah at Richard nang mapansin ng publiko na hindi na sila madalas magkasama. Katunayan, isa sa mga bagong socmed post ni Richard, tanging mga anak na lamang niya ang kanyang kasama sa isa sa kanilang bonding moments.

Gayunpaman, minsan na ring nilinaw ni Sarah na "okay" sila ni Richard sa kabila ng sinasabing hiwalayan. Abala rin si Sarah sa mga proyekto niya sa pagbabalik showbiz at isa na rito ay ang seryeng kinabibilangan niya, ang 'Lumuhod Ka Sa Lupa.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel