Heart Evangelista kay Marian Rivera: "Congratulations and welcome back, Queen of Primetime"

Heart Evangelista kay Marian Rivera: "Congratulations and welcome back, Queen of Primetime"

- Binati ni Heart Evangelista si Marian Rivera sa pagbabalik-telebisyon nito sa pamamagitan ng bagong primetime series

- Nakatakdang mapanood ang seryeng My Guardian Alien na pinagbibidahan ng tinaguriang Queen of Primetime ng GMA-7

- Bukod kay Marian, sina Gabby Concepcion at Max Collins ay bahagi din ng naturang serye

- Marami naman ang natuwa na makita ang pagsuporta ni Heart kay Marian

Nagbahagi si Heart Evangelista ng kanyang mensahe sa tinaguriang Queen of Primetime ng GMA-7 na si Marian Rivera. Kaugnay ito sa pagbabalik primetime ni Marian sa pamamagitan ng seryeng My Guardian Alien.

Heart Evangelista kay Marian Rivera: "Congratulations and welcome back, Queen on Primetime"
Heart Evangelista kay Marian Rivera: "Congratulations and welcome back, Queen on Primetime"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa binahaging video ng GMA-7, inihayag ni Heart ang kanyang pagbati sa pagbabalik ni Marian matapos ang maraming taon.

Read also

Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"

“It gives me so much pleasure to congratulate you, Madam Marian, because finally after many many years, you are back where you belong, on GMA Prime.”

Tinawag din niya itong Queen of Primetime.

“From my heart to yours, congratulations and welcome back, Queen of Primetime,”

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Miriam Quiambao at mister na si Ardy Roberto, muling ikinasal sa kanilang 10th wedding anniversary

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel