Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"

Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"

- Inihayag ni Paolo Valenciano ang kanyang saloobin kaugnay sa last major concert ng ama niyang si Gary Valenciano

- Inilarawan niya ang concert ng ama na #garyvpureenergy bilang 'The end of an era'

- Base pa sa kanyang komento, naging emosyonal daw ang kanilang rehearsal para sa concert

- Nabanggit din nito na ayaw na ni Gary na mag-concert lalo at senior citizen na siya ngayong taon

Naibahagi ni Paolo Valenciano na naging emosyonal sila sa rehearsals para sa last major concert ng ama. Ito na raw ang huling major concert ni Gary Valenciano.

Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"
Paolo Valenciano sa last major concert ng ama: "The end of an era"
Source: Facebook

Inilarawan niya ang concert ng ama na #garyvpureenergy bilang 'The end of an era'. Naging palaisipan ito sa marami. Minabuti ni Paolo na linawing okay ang kanyang ama.

All good, guys ! He’s not sick! PE is his last MAJOR concert. Things are getting emotional at the rehearsals

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Nabanggit din nito na ayaw na ni Gary na mag-concert lalo at senior citizen na siya ngayong taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

He doesn’t want to do arena shows na after this one. He turns 60 this year. Wants to slow down

Si Gary Valenciano, na kilala rin bilang Gary V., ay isang kilalang mang-aawit, musikero, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga sikat na kanta ay kasama ang "Take Me Out of the Dark," "Di Bale Na Lang," at "Natutulog Ba Ang Diyos?" Nakikilahok siya sa iba't ibang gawain ng charity, lalo na ang mga may kinalaman sa kalusugan at edukasyon.

Matatandaang nag-viral ang video ni Gary kamakailan. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Gary matapos siyang bisitahin ng anak na si Kiana Valenciano. Naiyak ito habang niyakap ang anak. Ayon sa isa pang anak ni Gary na si Paolo, bihira na silang magkasama-samang pamilya sa isang lugar.

Read also

Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"

Samantala, nilinaw ni Gary na hindi pa umano siya magre-retire sa industriya ng showbiz. Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng title ng kanyang concert sa darating na Abril. Aniya, hangga't tumitibok pa ang kanyang puso, patuloy pa rin ang kanyang pagtatanghal. Ipinaliwanag lang ng nag-iisang Mr. Pure Energy ang magiging pagkakaiba ng mga susunod niyang gagawing shows.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel