Willie Revillame, plantsado na ang pagbabalik TV5 ayon kay Cristy Fermin

Willie Revillame, plantsado na ang pagbabalik TV5 ayon kay Cristy Fermin

- Plantsado na raw ang kontrata ni Willie Revillame sa kanyang pagbabalik TV5 ayon kay Crity Fermin

- Sa programa nilang Showbiz Now Na, nabanggit ni Cristy na nakatakda nang pumirma ng kontrata si Willie

- Gayunpaman, wala pa raw itong timeslot at titulo ng programa na gagawin nito

- Nabanggit din nila na mukhang hindi na itutuloy ni Willie ang plano nito na tumakbo sa senado

Plantsado na raw ang pagpirma ng kontrata ni Willie Revillame sa TV5. Sa programang Showbiz Now Na, nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol dito pero wala pa raw itong timeslot at titulo ng programa na gagawin nito.

Willie Revillame, plantsado na ang pagbabalik TV5 ayon kay Cristy Fermin
Willie Revillame, plantsado na ang pagbabalik TV5 ayon kay Cristy Fermin
Source: Facebook

Mukha daw hindi na matutuloy ang planong pagtakbo ni Willie sa senado na una na niyang nabanggit.

Sa Facebook page naman ng Wowowin, naibahagi ang picture ni Willie kasama ang mga Big Boss ng TV5 na sina Jane Basas, ang President ng Mediaquest and Cignal TV, Guido Zaballero, President ng TV5 at John Andal na CFO ng Mediaquest.

Read also

Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel