Kristel Fulgar, binisita sa Pilipinas ng kanyang Oppa

Kristel Fulgar, binisita sa Pilipinas ng kanyang Oppa

- Binisita si Kristel Fulgar ng kanyang Korean na manliligaw na si Suhyuk Ha sa Pilipinas

- Ito ay matapos umuwi ni Kristel kamakailan sa Pilipinas dahil kailangan niyang magpagaling sa pagkakaopera ng kanyang paa

- Mismong ang mama ni Kristel ang nagsundo dito sa airport dahil hindi pa gaanong magaling ang paa ni Kristel

- Hindi naman masyadong nagtagal si Suhyuk sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa Korea

Binahagi ni Kristel Fulgar ang pagbisita sa kanya ng manliligaw niyang Korean na si Suhyuk Ha. Pumunta ito sa Pilipinas para muling makasama si Kristel.

Kristel Fulgar, binisita sa Pilipinas ng kanyang Oppa
Kristel Fulgar, binisita sa Pilipinas ng kanyang Oppa
Source: Youtube

Ayon sa vlog, ilang linggo pa lang nang sabihin ni Suhyuk na pupunta ito sa Pilipinas.

Mismong ang kanyang mama ang sumundo kay Suhyuk sa airport dahil hindi pa masyadong nakakalakad si Kristel.

Pinakilala siya ni Kristel sa kanyang mga kaibigan. Ipinasyal din niya ito sa Tagaytay.

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naman masyadong nagtagal si Suhyuk sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa Korea. Gayunpaman, aniya ay babalik siya.

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel