Angelou De Leon sa naging pahayag ni Claudine Barretto: "Buti na lang wala na ko dun"

Angelou De Leon sa naging pahayag ni Claudine Barretto: "Buti na lang wala na ko dun"

- Nagsalita si Angelou De Leon kaugnay sa naging pahayag ni Claudine Barretto sa event nina Gladys Reyes

- Naitanong sa kanya ni Ogie Diaz kung ano ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Claudine

- Aniya, mabuti na lang at wala na siya doon nang sabihin iyon ni Claudine pero aniya ay sana ay dumating ang tamang pagkakataon na makapag-usap sila

- Ani Angelou, mahirap sabayan ang emosyon pero hindi naman mahirap humingi ng dispensa sa tamang panahon

Naibahagi ni Angelou De Leon ang kanyang reaksiyon sa mga sinabi ni Claudine Barretto patungkol sa ayaw niya na makatrabaho siya. Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi niyang buti na lang at wala na siya doon.

Angelou De Leon sa naging pahayag ni Claudine Barretto: "Buti na lang wala na ko dun"
Angelou De Leon sa naging pahayag ni Claudine Barretto: "Buti na lang wala na ko dun" (Odgie Diaz/Youtube and TikTok @nemgarcia2020)
Source: Youtube

"Buti na lang wala na ko dun"

Ani Angelou mahirap sabayan ang emosyon pero hindi naman mahirap mag-sorry sa tamang panahon pag nabigyan siya ng pagkakataon.

Read also

Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayaw naman daw niyang i-invalidate ang damdamin ng ibang tao sakaling nakasakit siya. Kailangan din daw niya magnilay-nilay.

Nabanggit ni Angelou ang malaking pagbabago sa buhay niya nang maging mas malapit siya sa Panginoon.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel