Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab

Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab

- Kinaaliwan ang vlog ni Luis Manzano kung saan nakasama niya ang content creator na si Pambansang Yobab o Euleen Castro

- Punong-puno ng tawanan ang kanilang naging pag-uusap habang kumakain

- Marami ang natuwa na makitang kayang-kayang sakyan ni Euleen ang mga hirit ni Luis

- Maging si Luis ay tawang-tawa sa mga hirit ni Euleen

Tawang-tawa si Luis Manzano habang kausap niya sa kanyang vlog ang content creator na si Pambansang Yobab o Euleen Castro. Nasasabayan ni Euleen ang mga hirit ni Luis.

Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab
Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab
Source: Youtube

Sa vlog ni Luis ay kumakain sila habang nag-uusap. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa vlog ni Luis:

Ang saya ng mukbang/kwentuhan. Tawa lang ako ng tawa. Sana may part 2
Hindi nagkakalayo ang level ng sense of humor ni eunice and luis kaya aliw talaga ang video na ito hahaha

Read also

Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napaka saya nilang panuorin grabe natatawa ako sa kanilang dalawa ☺️☺️ sana mabigyan ng big break si yobab

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Video clip na nagpapakita ng reflection ni Noli de Castro, viral: "Kabayan, matagal pa ang Undas"

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel