Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'

Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'

- Binati ni Sarah Geronimo ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli sa kaarawan nito

- Sa kanyang Instagram story, binahagi ni Sarah ang video clip ni Matteo kasama ang kapatid nito

- Sa naturang IG story ay kalakip ang simpleng pagbati ni Sarah sa aniya'y kanyang 'gwapo husband'

- Ngayong araw ay pinagdiriwang ni Matteo ang kanyang ika-34 na kaarawan

Binati ni Sarah Geronimo ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Sarah ang kanyang paggbati sa aniya'y kanyang 'gwapo husband.'

Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'
Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'
Source: Instagram

Binahagi niya ang isang video clip kung saan nakayakap ang kapatid ni Matteo sa aktor. Naka-tag din doon si Matteo maging ang kapatid niyang si Paolo Guidicelli.

Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'
Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Luis Manzano at Pambansang Yobab, kinaaliwan sa kanilang collab

Naibahagi naman ni Paolo ang kanyang pagsorpresa kay Matteo sa Unang Hirit. Pinasalamatan niya ito.

Surprised @matteog on Unang Hirit! Thank you kuya for always looking after me. Happy Birthday!!

Ngayong araw ay pinagdiriwang ni Matteo ang kanyang ika-34 na kaarawan.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng AshMatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Read also

Alex Gonzaga, ibinida ang TikTok video nila ng kanyang mga magulang

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Sa kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel