Shaira at content creator na si Jomar Yee, kinaaliwan sa kanilang TikTok video

Shaira at content creator na si Jomar Yee, kinaaliwan sa kanilang TikTok video

- Kinaaliwan ang video nina Shaira at content creator na si Jomar Yee na isa sa mga gumawa ng parody video ng 'Selos'

- Sa video na binahagi ni Shaira ay sabay nilang ni-lipsync ang kanta ni Shaira na talaga namang lumikha ng ingay

- Matatandaang binahagi din ni Shaira ang video ng parody ni Jomat na tinawag niyang 'kambal'

- Umani ng mga komento ang video na ito na kahit bago pa lang ay libo-libo na ang reacts

Nagkasama sina Shaira at content creator na si Jomar Yee sa isang TikTok video. Matatandaang isa si Jerry sa mga content creator na gumawa ng parody video ng 'Selos' na kanta ni Shaira.

Shaira at content creator na si Jomar Yee, kinaaliwan sa kanilang TikTok video
Shaira at content creator na si Jomar Yee, kinaaliwan sa kanilang TikTok video
Source: Facebook

Nauna na ring naibahagi ni Shaira ang video na ito na ginawa ni Jomar. Umani ng mga komento ang video na ito na kahit bago pa lang ay libo-libo na ang reacts.

Read also

Isa pang awit ni Shaira, tinanggal muli online dahil sa umano'y katunog na Indonesian song

Narito ang ilang komento:

Wow magkamukha po kayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hala baka mg kapatid sla
Kamukha nga sila haha baka kapatid ni lodz shaira yan si lodz jomar haha

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang AHS Productions, ang agency na humahawak sa tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira. Ito ay sa gitna ng copyright infringement issue ng kanyang kantang 'Selos' na pumatok sa mga netizens. Ayon sa AHS. boluntary nilang tinanggal sa streaming platforms ang kanta na hango ang melody sa kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Naglabas din ng pahayag si Shaira matapos boluntaryong tinanggal ng kanyang management ang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms. Ito ay sa gitna ng issue tungkol sa copyright dahil hango ang melody ng kanyang kanta sa 'Trouble is a Friend' na orihinal na kanta ng Australian singer na si Lenka. Sa Facebook post ni Shaira, sinabi niyang okay na okay siya at naghayag ng positibong mensahe para sa mga tao lalo na sa mga totoong kaibigan at concern sa kanya. Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang performance kung saan kinanta niya ang viral song niyang 'Selos'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel