Isa pang awit ni Shaira, tinanggal muli online dahil sa umano'y katunog na Indonesian song

Isa pang awit ni Shaira, tinanggal muli online dahil sa umano'y katunog na Indonesian song

- Tinanggal na sa mga online streaming platforms ang isa pang awit ni Shaira Moro

- Ito ay dahil muli sa Copyright issue na una niyang hinarap sa awitin niyang Selos

-Oktubre 29 pa naka-upload sa YouTube ng AHS productions ang awit na ito ni Shaira na may katunog na awitin ng isang Indonesian band

- Matatandaang agad na inaksyunan ng kampo ng singer na si Lenka ang umano'y copyright issue ng unang labas na awitin ni Shaira na selos na katunog ng awiting 'Trouble is a friend'

Tinanggal na rin sa mga online streaming platforms ang awitin ni Shaira Moro, ang 'Forever Single, walang jowa.'

Shairaa Moro Singer
Bagong awit ni Shaira, tinanggal muli online dahil sa umano'y katunog na Indonesian song (Shairaa Moro Singer)
Source: Facebook

Ito ay matapos na mapansin umano ng marami na katunog ito ng isang awitin na pinasikat ng Indonesian band na Papinka.

Bagama't Oktubre 29 pa ito naka-upload sa YouTube channel ng AHS Productions, sumunod na rin itong naalis sa nasabing channel.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Tulad ng naunang isyu sa awitin ni Shaira na 'Selos',pinaniniwalaang pinalitan lang ng kampo ni Shaira ang lyrics ng naturang awitin ng Papinka.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang inalmahan ng Australian singer/ songwriter na si Lenka ang umano'y tila pagpapalit lamang ng lyrics ng kanyang awitin 'Trouble is a Friend' sa kanta ni Shaira na 'Selos.'

Samantala, matapos na ma-takedown umano ang unang single ni Shaira na 'Selos,' naglabas siya ng kanyang saloobin. Aniya, okay na okay siya sa kabila ng nangyari.

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Samantala, matapos na ma-takedown umano ang unang single ni Shaira na 'Selos,'naglabas siya ng kanyang saloobin. Aniya, okay na okay siya sa kabila ng nangyari.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang bawat sulok ng bago niyang tirahan

Bukod pa rito, nakiusap din siyang 'wag nang i-bash pa ang Australian singer na si Lenka. Ang awitin ni Lenka na 'Trouble is a Friend" ang sinasabing katunog ng kantang 'Selos.'

Ang AHS Productions ang nagkaroon na ng direktiba na kusa nang tanggalin sa mga online streaming platforms ang awiting Selos. Subalit pareho rin ang tadhanang sinapit ng awitin niyang Forever Single kahit pa nilagyan pa ito ng Disclaimer nang mai-upload at sinabing parody lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel