Shaira, nakiusap na tigilan ang pangba-bash kay Lenka: "Ginagawa lamang nila kung ano yung tama"
- Minabuti ni Shaira na magsalita sa gitna ng pangba-bash ng mga taga-suporta niya sa Australian singer na si Lenka
- Hiling niya na sana ay tigilan na ang pangbabatikos sa singer lalo at maayos daw ang pakikitungo sa kanila ng kampo ni Lenka
- Naniniwala din siyang ginagawa lang nila ang tama at naaayon sa batas
- Hinimok niya rin ang mga fans niya na ipakita na 'peace loving citizens' sila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpahayag ang tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira ng kanyang saloobin sa gitna ng mga pangba-bash ng tagasuporta niya sa singer na si Lenka. Hiling niya na sana ay matigil na ang pambabatikos sa Australian singer.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi niyang naniniwala din siyang ginagawa lang nila ang tama at naaayon sa batas.
Nais ko lamang po makiusap sa lahat ng tumatangkilik at sumusuporta sa akin na nakapag kumento o nakapagsalita ng di maganda at di naaangkop laban kay Idol Lenka na kung maaari lamang ay tigilan na po natin ang pagtuligsa o pambabash sa kanya. Naiintindihan ko po ang sentiments nyo dahil sa pag take down ng kantang “Selos”, at nagpapasalamat po ako dahil kahit papano ay nandyan kayo na nagnanais na ipagtanggol ako. Subalit nais ko din pong ipaalam na naging maayos ang approach sa amin ng kampo ni Lenka, Mabuti at maayos silang kausap. At nakikita namin na ginagawa lamang nila kung ano yung tama at naaayon sa batas. Sana po ay matigil na ang mga pambabash or pag spread ng hate speech laban sa kanila bagkus ay ipakita po natin na tayo ay Peace Loving Citizen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang AHS Productions, ang agency na humahawak sa tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira. Ito ay sa gitna ng copyright infringement issue ng kanyang kantang 'Selos' na pumatok sa mga netizens. Ayon sa AHS. boluntary nilang tinanggal sa streaming platforms ang kanta na hango ang melody sa kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms.
Naglabas din ng pahayag si Shaira matapos boluntaryong tinanggal ng kanyang management ang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms. Ito ay sa gitna ng issue tungkol sa copyright dahil hango ang melody ng kanyang kanta sa 'Trouble is a Friend' na orihinal na kanta ng Australian singer na si Lenka. Sa Facebook post ni Shaira, sinabi niyang okay na okay siya at naghayag ng positibong mensahe para sa mga tao lalo na sa mga totoong kaibigan at concern sa kanya. Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang performance kung saan kinanta niya ang viral song niyang 'Selos'
Source: KAMI.com.gh