JK Labajo, umani ng papuri sa pag-aalala nito sa 2 buwang baby na dinala sa kanyang concert

JK Labajo, umani ng papuri sa pag-aalala nito sa 2 buwang baby na dinala sa kanyang concert

- Hindi napigilan ni Juan Karlos Labajo na mag-alala sa isang sanggol na nakita niya na dinala sa kanyang concert

- Pinaliwanagan niya ang audience na ang batang may edad na isang taon pababa ay sensitibo pa ang tenga kaya dapat ay may proteksiyon sa tenga sakaling dadalhin sila sa mga event

- Nagpasalamat siya sa mga magulang ng bata sa pagsuporta sa kanya pero aniya ay alagaan daw dapat si baby

- Dagdag pa niya, marami pa siyang ilalabas na kanta at sana daw ay marinig pa iyon ng sanggol na ayon din sa kanyang mga magulang ay dalawang buwan pa lamang

Nag-alala si Juan Karlos o JK Labajo nang mamamataan niya ang isang sanggol na dinala sa isang event kung saan siya magtatanghal. Nagpasalamat siya sa mga magulang ng bata sa pagsuporta sa kanya pero aniya ay alagaan daw si baby.

Read also

Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift

JK Labajo, umani ng papuri sa pag-alala nito sa 2 buwang bata na dinala sa kanyang concert
JK Labajo, umani ng papuri sa pag-alala nito sa 2 buwang bata na dinala sa kanyang concert
Source: Instagram

Pinaliwanagan niya ang audience na sensitibo ang tenga ng mga batang hindi pa lumalagpas ng isang taon. Aniya, marami pa siyang ilalabas na kanta at sana daw ay marinig pa iyon ng sanggol na ayon din sa kanyang mga magulang ay dalawang buwan pa lamang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Juan Karlos Labajo o JK Labajo ay naging contestant sa sikat na talent competition na "The Voice Kids Philippines" noong 2014 kung saan siya ay naging runner-up. Pagkatapos ng kanyang paglahok sa The Voice, sumunod ang kanyang mga pagganap sa iba't ibang palabas at pelikula sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa pag-arte, si JK Labajo ay kilala rin sa kanyang mga awitin kagaya ng 'Buwan' at 'Ere'.

Matatandaang binahagi ni Andrea Brillantes ang blooper sa kanyang TikTok video kung saan makikita ang kaibigan niyang si JK. Kinaaliwan ang reaksiyon ni JK na napahawak pa sa dibdib niya sa gulat nang biglang nag-tumbling si Andrea. Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK. Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Binahagi namana ni Moira Dela Torre ang video ng kanyang pagkanta ng awiting 'Ere' na pinasikat ni JK. Sa huling bahagi ng video ay makikitang mismong si JK ang tumutugtog ng gitara nang kumanta si Moira. Umani rin ng samu't-saring komento ang video na ito ni Moira lalo at mayroong bahagi ng kanta na pagmumura. Marami sa mga netizens ang nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel