Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift

Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift

- Nagulat si Andrea Brillantes sa regalo sa kanya nina Whamos Cruz at Antonette Gail para sa kanyang kaarawan

- Todo-pasalamat siya sa Rolex na binigay sa kanya nang pumunta siya sa bahay nina Antonette

- Hindi maitago ni Andrea ang kanyang tuwa sa kanyang natanggap na regalo

- Binigyan din nila ng regalo ang kaibigan ni Andrea na si Bea Borres na ilang beses na rin nilang maka-collab

Tuwang-tuwa si Andrea Brillantes nang bigyan siya ng regalo nina Whamos Cruz at Antonette Gail. Binigay siya nila ng rolex bilang regalo sa nagdaang kaarawan nito.

Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift
Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift
Source: Facebook

Hindi na daw sila nakapagbigay ng cake pero ani Andrea ay ayos lang iyon. Mismong si Antonette ang nagbalot ng regalo nila na nilagay lang nila sa box upang hindi agad makita kung ano ang laman nito.

Tila nawindang naman si Andrea nang makita niya ang Rolex. Agad siyang nagpasalamat sa dalawa. Nagustuhan daw niya ang design dahil hawig ito sa gusto niya talagang desenyo ng Rolex.

Read also

Maegan Aguilar, nilabas ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel