Maegan Aguilar, nilabas ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama'

Maegan Aguilar, nilabas ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama'

- Ibinahagi ni Maegan Aguilar ang kanyang original song na kanyang pinamagatang 'Ama,

- Matatandaang nauna nang naibahagi ni Maegan ang tungkol sa kanyang nagawang kanta na naparinig niya na sa kanyang amang si Freddie Aguilar

- Tila napapanahon naman ang kanyang paglabas ng awitin niyang ito lalo at maayos na sila ng kanyang amang si Freddie Aguilar

- Kamakailan nga ay masayang binahagi ng mag-ama ang kanilang pictures matapos nilang magkasamang muli

Binahagi ni Maegan Aguilar ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama.' Ito ang awiting sarili niyang gawa na nauna niya nang naparinig sa kanyang tatay na si Freddie Aguilar.

Maegan Aguilar, nilabas ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama'
Maegan Aguilar, nilabas ang lyric video ng kanyang kantang 'Ama'
Source: Instagram

Sa huling bahagi ng kanyang lyric video ay pinakita dito ang ilan sa kontrobersiyang pinagdaanan ni Maegan kabilang na ang pagpunta niya sa programa ni Raffy Tulfo.

Marami naman sa maga nakarinig na sa awitin ang nagbahagi ng kanilang paghanga sa husay ni Maegan:

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Ganda namn ng nilalaman ng kanta pati yung music ...keep it up....sure na mag hit yan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ganda ng lyrics sana mabigyan kpa ng chances ng mga recording company ganda ng Boses mo po..tuloy mo lng Megan ang pag kanta mapapansin ka din at ang mga kanta mo
Congrats Ms. Maegan...isa kang inspirasyon sa mga anak na naligaw ng landas na ngaun ay muling nagbalik loob at bumangon upang ayusin ang buhay

Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Read also

Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti

Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.

Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel