Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti

Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti

- Naibahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang vlog ang dahilan kung bakit kinailangan niyang operahan

- Nagkaroon daw siya ng bukol sa binti at nang ma-biopsy noong nakaraang taon ay benign naman daw ito ngunit maari daw madevelop sa malignant kaya pinatanggal ang bukol

- Sa kanyang pamamalagi sa ospital, ang kanyang manliligaw na si Suhyuk ang nag-alaga sa kanya

- Tumulong din sa pag-aalaga sa kanya ang kaibigan niyang content creator din na si Moi

Kinailangang operahan si Kristel Fulgar dahil sa Schwannoma. Pinatanggal niya ang tumor sa kanyang binti na may posibilidad daw na maging malignant pag hindi natanggal.

Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti
Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti
Source: Youtube

Matapos siyang ma-biopsy, napag-alamang hindi naman malignan ang kanyang tumor. Gayunpaman, para mas maging ligtas ay pina-opera niya ito.

Sa kanyang pamamalagi sa ospital, ang kanyang manliligaw na si Suhyuk ang nag-alaga sa kanya. Maging ang kaibigang si Moi ay tumulong din na magbantay sa kanya.

Read also

JK Labajo, umani ng papuri sa pag-aalala nito sa 2 buwang baby na dinala sa kanyang concert

Matapos niyang makalabas ng ospital ay inihatid siya sa airport dahil gusto daw ng nanay niyang alagaan siya habang nagpapagaling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Read also

Vice Ganda, muling nagbahagi ng meme tungkol sa mga taong naninira

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel