Nadia Montenegro, ibinida ang picture nila ng mga anak: "My Army!"

Nadia Montenegro, ibinida ang picture nila ng mga anak: "My Army!"

- Nag-post si Nadia Montenegro ng picture nila kasama ang kanyang walong mga anak

- Sa kanyang post ay makikitang nakasaludo sa kanya ang mga anak na tinawag niyang kanyang mga army

- Kalakip din sa kanyang caption ang mga salitang 'Protected! Strong & Faithful' at hashtag na #FullArmourOfGod

- Marami naman ang natuwa na makita ang walong anak ni Nadia

Ibinida ni Nadia Montenegro ang picture niya kasama ang kanyang mga anak. Sa naturang post ay makikitang nakasaludo sa kanya ang mga anak na tinawag niyang kanyang mga army.

Nadia Montenegro, ibinida ang picture nila ng mga anak: "My Army!"
Nadia Montenegro, ibinida ang picture nila ng mga anak: "My Army!"
Source: Instagram

Pitong babae at isang lalaki sila na itinaguyod nila ng namayapa niyang partner na si ex-Caloocan Mayor Macario "Boy" Asistio, Jr. na nakasama niya ng 28 na taon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan lang daw siya kay Toni Fowler

Magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang longtime partner ay mag-isa nang inako ni Nadia ang responsibilidad ng isang magulang.

Kalakip din sa kanyang caption ang mga salitang 'Protected! Strong & Faithful' at hashtag na #FullArmourOfGod.

Marami naman ang natuwa na makita ang walong anak ni Nadia. Narito ang ilang komento:

Beautiful family
Pinaka maganda yong nanay
Ang cute nito!

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Noong 2022, matatandaang hindi napigilan ni Nadia na maglabas ng saloobin matapos malamang nalimas ang pera ng kanyang nanay sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Pitong katao umano ang nagkumpulan upang makuha ang mga card ng kanyang ina sa loob lamang ng 3 minuto. Nakatakas umano ang mga tumangay sa card ng nanay niya at nalimas ang P130,000 ng kanyang ina. Ani Nadia, napatawad niya na ang mga gumawa nito sa kanyang ina ngunit kailangan harapin ng mga ito ang kahihinatnan ng kanilang ginawa.

Read also

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

Hindi tinigilan ni Nadia na maaksyonan ang nangyari sa kanyang ina habang namimili ito sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Matapos niyang ibahagi sa social media ang karanasan ng kanyang ina, marami din umano ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya. Ang mga mensahe ay tungkol sa kanilang mga karanasan kagaya sa nangyari sa ina ng aktres na pagkumpulan ng isang grupo ng mga tao. Ani Nadia, kailangan maaksiyonan na ang mga nangyayari dahil nakakabahala na marami na pala ang nabibiktima ng ganoong modus.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate