It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito

It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito

- Trending sa X ang "It's Showtime" sa unang araw ng pagsasama ng "It's Showtime" at GMA Network

- Nakapagtala din ng malaking bilang ng ads ang naturang noontime show na umabot sa 159

- Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagiging patok ng programa sa mga manonood at advertisers kahit sa kanilang bagong tahanan

-Kasabay ng pagsasama ng "It's Showtime" sa GMA Network, nagtala rin ang katapat nitong noontime show na "Eat Bulaga" ng 85 na ads sa kanilang episode

Sa unang araw ng pagsasama ng "It's Showtime" sa GMA Network, nagtala ito ng malaking bilang ng mga advertisement. Sa pagsasama ng naturang programa sa bagong estasyon, nakapagtala ang "It's Showtime" ng 159 na ads sa kanilang episode ngayong April 6.

It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito
It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito
Source: Instagram

Ang katapat nitong noontime show na "Eat Bulaga" ng 85 na ads sa kanilang episode. Ipinapakita nito ang patuloy na pagkumpitensya ng dalawang programa sa larangan ng daytime television.

Read also

Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako"

Ang bilang na ito ng mga ads ay nagpapakita rin ng interes ng mga advertisers sa paglipat ng "It's Showtime" sa GMA Network. Ang malaking bilang ng mga advertisements ay nagpapahiwatig ng mataas na demand at interes ng mga kumpanya na mag-promote sa programa sa kanilang bagong home network.

Ang pagtala ng 159 na ads ay isang patunay ng kanilang kalidad at kabuuang impluwensya sa industriya ng telebisyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Matatandaang ibinida ng "It's Showtime" hosts ang kanilang pagsasama-samang muli sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Ibinahagi ni Teddy Corpus ang picture nilang magkakasama at ginamit pa niya ang hashtag na #TheSuspenders. Sa picture na kanyang binahagi ay wala sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Kim Chiu at Amy Perez. Habang hindi pa bumabalik ang "It's Showtime" ay may kanya-kanyang mga ganap ang hosts at binabahagi nila ito sa social media upang magbigay pa rin ng update sa kanilang mga fans.

Read also

Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA: "What's Up madlang kapuso!"

Ibinida ni Vice Ganda ang masayang video nila kasama ang kanyang 'It's Showtime' family habang nasa Hong Kong. Makikita ang kanilang pagsasayaw sa tunog mula sa video na binahagi ni Melai. May hawak din silang ice cream at kumakain silang magkakasama habang sumasayaw. Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate