Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA: "What's Up madlang kapuso!"

Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA: "What's Up madlang kapuso!"

- Pinakaabangan ng lahat ang unang araw ng "It's Showtime" sa GMA ngayong Abril 6

- Mala-concert ang naging opening number ng mga hosts sa pangunguna ni Vice Ganda

- Binati rin ni Vice ang kanilang mga manonood na "Madlang Kapuso"

- Ang "It's Showtime" ang tuluyan nang pumalit sa time slot ng "Tahanang Pinakamasaya" na minsan ding tinawag na "Eat Bulaga"

Bongga at talaga umanong pinaghandaan ang pagbubukas ng It's Showtime na ngayo'y mapapanood na sa GMA 7.

Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA: "What's Up madlang kapuso!"
Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA: "What's Up madlang kapuso!" (ABS-CBN It's Showtime YouTube)
Source: Youtube

Tila naging isang konsyerto ang opening number pa lang ng mga hosts sa pangunguna ni Vice Ganda.

Sa pagbati ni Vice sa kanilang mga manonood, lalong lumakas ang hiyawan nang tawagin niya itong "Madlang Kapuso."

"Ngayon araw pinag-isa, pinagsanib pwersa, pinagbuklod ang mga Kapamilya at Kapuso sa pagpapasaya ng ating madlang pipol. Eto na ang pinakamatinding plot twist ng dekada. We found a new home sa piling ng ating mga Kapuso," ani Vice.

Read also

Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya naman po sa GMA network, maraming-maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng tsansang muling maabot ang mas maraming manonood," ang kanya namang pasasalamat sa pagkakaroon nila muli ng bagong tahanan.

Narito ang kabuuan ng mga pangyayari sa unang araw ng It's Showtime sa GMA:

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong ika-24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Matapos ang kabi-kabilang kuro-kuro noon, Ang It's Showtime na nga ang tuluyan nang pumalit sa naiwang time slot ng Tahanang Pinakamasaya na minsan ding tinawag na Eat Bulaga sa GMA.

Read also

Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"

Matatandaang sa signing of contract ng mga GMA at ABS-CBN bosses, naging emosyonal ang mga It's Showtime host na umano'y gumawa ng kasaysayan sa telebisyon sa pagsasanib pwersa ng dalawang malaking istasyon sa bansa. Simula ngayong Abril 6, mapapanood na rin sa GMA free tv ang It's Showtime, mula Lunes hanggang Biyernes sa oras ng pananghalian ng mga 'madlang Kapuso.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel