Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako"

Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako"

- Si Miss Universe Philippines Michelle Dee ang naging panauhin ng EXpecially for you sa "It's Showtime" sa unang araw nila sa GMA

- Bago pa man magsimula ang segment, gumulantang na ang biglang nasabi ni Michelle

- Ito ay tungkol sa niligawan niya umano noong nakaraang taon subalit nabasted umano siya

- Si Michelle ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 kung saan umabot siya hanggang top 10

Si Miss Universe Philippines 2023, Michelle Dee ang unang panauhin ng It's Showtime segment na EXpecially for you sa unang araw nila sa GMA ngayong Abril 6.

Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako"
Michelle Dee sa EXpecially for you: "Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako" (@michelledee)
Source: Instagram

Kasama ni Michelle ang kanyang ina, ang actress beauty queen na si Melanie Marquez.

Bago pa mang tuluyang magsimula ang segment, kinumusta muna ni Vice ang estado ng puso ni Michelle.

Sinabi nitong huli siya umanong nagmahal, apat na taon na ang nakalilipas.

Read also

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At tila nagulat ang lahat nang bigla niyang masabi na mayroon siyang niligawan noong nakaraang taon.

"Last year may nililigawan ako, 'yun nga lang basted ako. Niligawan ko kasi yung korona. Ilang taon ang binigay ko sa korona," paglilinaw ni Michelle na ang tinutukoy pala umano ay ang korona ng Miss Universe 2023 na tinangka niyang masungkit.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga pangyayari sa EXpecially for you ng It's Showtime kasama si Michelle Dee:

Si Michelle Marquez Dee na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 ay pinalad na makaabot sa top 10. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Read also

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Todo suporta naman sa kanya ang kanyang inang si Melanie na aminadong nakaramdam ng kaba sa pagsabak ng anak sa naturang pageant. Gayunpaman, proud siya sa pinakikitang focus at determinasyon nito sa pagkamit ng korona. Katunayan, maging ang pinakaunang Miss Universe mula sa Pilipinas na si Miss Gloria Diaz ay naniniwalang papasok sa top 5 si Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel