Kristel Fulgar, sumailalim sa operasyon habang nasa Korea

Kristel Fulgar, sumailalim sa operasyon habang nasa Korea

- Naibahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang vlog ang kaganapan bago siya operahan habang nasa South Korea

- Hindi nabanggit ni Kristel kung para saan ang operasyon pero pinakita sa vlog niya ang ginawang pag-aalaga sa kanya ng kanyang manliligaw

- Sumailalim siya sa MRI at mismong ang suitor niya ang kumukuha ng mga videos kay Kristel

- Marami ang natuwa dahil sa sobrang pag-aalaga nito kay Kristel maging ang kaibigan niyang si Moi ay nakasama niya rin

Naibahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang vlog ang tungkol sa kanyang pagpapaopera habang nasa South Korea siya. Bukod sa kaibigan niyang si Moi, todo-alaga sa kanya ang kanyang manliligaw.

Kristel Fulgar, sumailalim sa operasyon habang nasa Korea
Kristel Fulgar, sumailalim sa operasyon habang nasa Korea
Source: Youtube

Inalagaan siya nito at pinalakas ang kanyang loob bago pumasok sa operating room. Sa umpisa ng kanyang vlog ay nakasama niya ito sa pagsamba.

Matatandaang nabanggit ni Kristel na nakapagsimula na ito ng pagproseso ng kanyang pagpapa-convert nang sa gayon ay maging parehas na ang kanilang religion na siyang hinihintay na laman ni Kristel para masabi niyang boyfriend niya na ito kahit aminado siyang gusto na niya ang manliligaw.

Read also

Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate