Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon

Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon

- Nakapanayam ni Julius Babao ang dating aktres na si Cita Astals at naibahagi nito ang kanyang kasalukuyang kalagayan

- Kabilang sa naitanong ni Julius Babao ay ang tungkol sa kumalat na picture niya noon kung saan sinabi daw na palaboy na lang daw ito

- Inamin ni Cita na siya iyon pero sa tingin niya ay hindi naman masasabing palaboy siya dahil lang sa picture na iyon

- Aniya, wala man lang daw nagtanong sa kanya tungkol sa kalagayan niya para maipaliwanag niya

Aminado si Cita Astals na siya ang nasa kumalat na picture niya noon kung saan sinabi daw na palaboy na lang daw ito. Sa panayam ni Julius Babao sa kanya, sinabi niyang hindi naman masasabing palaboy siya dahil lang sa picture na iyon.

Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon
Cita Astals, nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture niya noon
Source: Youtube

Aniya, kuha ang naturang picture nang pumunta siya sa Manila City Hall. Taong 2009 hanggang 2010 daw ang picture na ito at isa ito sa hinanakit niya sa media. Wala man lang daw nagtanong sa kanya upang maihayag niya ang kanyang saloobin at panig.

Read also

Melai Cantiveros, nawindang sa dahilan ng pag-iyak ni Stela dahil may naisip daw syang masama

Gayunpaman, aminado siyang pinasuri siya ng kanyang kapatid dahil wala daw naniniwala sa kanyang sinasabi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Cita Astals ay isang aktres na nakilala nang maging bahagi siya ng Home Along Da Riles kung saan gumanap siya bilang boss ni Kevis Cosme, ang papel na ginampanan naman ni Dolphy Quizon. Kinalaunan ay pinasok niya ang mundo ng pulitik at nanungkulan sa Lungsod ng Maynila.

Samantala, kabilang sa nakapanayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel ay ang ilang mga artistang nais bumalik sa showbiz. Kamakailan ay nabahagi ni Whitney Tyson sa panayam ni Julius na nakaranas siya ng pangbu-bully mula sa isang babaeng artistang nakasama niya sa "Ang Probinsiyano". Hindi na niya pinangalanan ang artistang nang-bully sa kanya at napaiyak din daw siya. Nagsumbong daw siya kay Ara Mina pero kinakasal daw si Ara Mina noong panahon na iyon. Si Ara Mina daw ang nakasama daw talaga ni Whitney sa kwarto ngunit dahil nga kinasal si Ara ay kinailangan siyang lumipat ng kwarto at nakasama niya ang artistang kanyang tinutukoy.

Nakapanayam din ni Julius ang dating child star na si John Wayne Sace. Sa kanilang pag-uusap ay naibahagi ni John Wayne ang kanyang buhay sa kasalukuyang wala siyang trabaho . Hiling niya na sana ay mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte. Naibahagi niyang umabot din sa sampung buwan na naging bahagi siya ng 'FPJ's Ang Probinsiyano' at malapit na rin itong matapos nang mapabilang siya sa serye.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate