Karylle at Yael Yuzon, binati ni Zsa Zsa Padilla sa kanilang renewal of vows
- Nag-post si Zsa Zsa Padilla ng kanyang pagbati para sa anak na si Karylle at sa mister nitong si Yael Yuzon
- Ito ay matapos matagumpay na nairaos nila ang kanilang renewal of vows kasabay ng kanilang pagdiriwang ng kanilang anniversary
- Matatandaang kamakailan ay nag-propose si Yael kay Karylle habang nasa It's Showtime sila
- Unang ikinasal ang mag-aswa noong March 21, 2014 sa San Antonio de Padua church sa Silang, Cavite matapos ang kanilang tatlong taong relasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binati ni Zsa Zsa Padilla sina Karylle at Yael Yuzon sa kanilang renewal of vows. Sa kanyang post ay binahagi ni Zsa Zsa ang ilang pictures nila.
Makikitang bahagi ng kanilang ceremony ay nag-duet pa ang mag-asawa sa kanilang kanta. Bukod kay Zsa Zsa at iba pa nilang kapamilya at kaibigan, naroroon din ang partner ni Zsa Zsa na si Conrad Onglao.
Matatandaang kamakailan lang nang mag-propose si Yael kay Karylle lalo at hindi daw niya ito nagawa noong unang pagpapakasal nila na silang dalawa lang ang naroroon nang mag-propose si Yael.
Magdiriwang ang mag-asawa ng kanilang ika-sampung taon bilang mag-asawa sa March 21.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Ana Karylle Padilla Tatlonghari o mas kilala sa kanyang screen name na Karylle ay binansagang OPM Showbiz Royalty of the Philippines. Isa siyang singer-songwriter, actress, dancer, TV host, model, musical theater performer, at entrepreneur.
Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan Bang. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.
Naiyak si Karylle sa kanilang larong "Vest in Spelling" sa segment nilang "Palarong Pang-madla" sa It's Showtime. Sa naturang laro ay kailangan mabaybay ng mga host ang sagot sa mga tanong na binibigay ni Amy Perez gamit ang mga titik na nakalagay sa harap at likod ng kanilang suot na vest. Bukod sa time pressure, hamon din sa mga host na matandaan ang mga titik sa kanilang harap at likod. Sa tuwing nakakatama sila ay nadadagdagan ang perang iniipon nila para ipamigay tuwing Sabado sa kanilang "Random Acts of Kindness."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh