Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose

Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose

- Nagpaunlak ng panayam ang isa sa malapit na kaibigan ni Jaclyn Jose na si Direk Bibeth Orteza

- Isa umano siya sa mga nakasama noon ni Jaclyn nang nagsisimula pa lang ito sa showbiz

- Inalala rin niya ang pagiging isang mabuting kaibigan ni 'Jane' ang tunay na pangalan ni Jaclyn

- Aniya, ang imahe ni Jaclyn na kanyang naaalala ay ang karakter nitong "Ma'Rosa" at bilang isang pulis sa "Batang Quiapo"

Nakapanayam ni Karmina Constantino ng ANC Digital ang respetadong direktor at producer na si Bibeth Orteza patungkol sa namayapa nitong kaibigan, ang Award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose
Photo: @jaclynjose
Source: Facebook

Naikwento ni Direk Bibeth kung gaano ka-humble si Jaclyn sa kabila ng pagkapanalo nito noon ng best actress award sa Cannes International Film Festival para sa pelikulang "Ma'Rosa".

"Kasi kadalasan 'pag malaking tao ka na, may pangalan... It's no joke that the first best actress award that the country got in Cannes for her Nana Rosa, ang nakaka-amaze 'don Karmina 'yung talagang parang wala lang sa kanya."

Read also

Aktres na si Cheena Crab, binahagi ang huling pag-uusap nila ni Jaclyn Jose

Nasabi rin nito kung gaano ito kabuting kaibigan na talagang mapagkakatiwalaan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Si Jane, to me she was one person na hindi mo kailangang makita madalas, ka-chat sa Facebook madalas, Basta when you are with her and you want to share something, may kwento ka 'di mo na kailangang sabihin sa kanyang confidential ito. Meron ka na kaagad assurance na hindi niya ito isasatsat sa iba."

Hinding-hindi rin daw makakalimutan ni Direk Bibeth ang ilang iconic roles ni Jaclyn na sa tuwing pipikit ang kanyang mga mata, ito ang kanyang naaalala.

"I close my eyes my image of Jane I see her as Ma Rosa. That scene na kumakain siya ng barbecue. Kumakain siya ng fish ball. 'Yun ang naaalala ko sa kanya. Saka siyempre 'yung pagka-pulis niya sa Batang Quiapo."

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

Narito ang kabuuan ng panayam kay Direk Bibith mula sa ANC 24/7 YouTube:

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma'Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn noong Marso 3 ng gabi. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'

Isa sa proyektong naiwan ngayon ni Jaclyn ay ang karakter nitong bilang si Dolores Espinas sa Batang Quiapo. Gayundin ang pelikula kung saan kasama rin nila sana ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Naikwento ito ni Ara Mina na bahagi rin ng naturang pelikulang hindi pa umano nila natapos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: