Ogie D, sa nalamang tagpo umano nina Bea at Dominic: "Ewan ko kung totoo ha"

Ogie D, sa nalamang tagpo umano nina Bea at Dominic: "Ewan ko kung totoo ha"

- Naikwento ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanya tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Ito ay matapos maibalita raw umano ni Jobert Sucaldito ang narinig na boses sa Zoom meeting ni Dominic

- Ayon sa source ni Ogie, nagpunta na at natulog pa umano si Dominic sa bahay ni Bea bago ito mag-Singapore

- Gayunpaman, mainam na sina Bea at Dominic mismo ang magkumpirma o maaring mag-deny ng kaganapang ito ayon kay Ogie D

Naibahagi ni Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel ang nakarating sa kanya tungkol umano kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ogie D, sa nalamang tagpo umano nina Bea at Dominic: "Ewan ko kung totoo ha"
Dominic Roque and Bea Alonzo: (@dominicroque)
Source: Instagram

Una muna niyang nabanggit ang naibalita rin ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito tungkol pa rin sa BeaDom.

"Gusto kong i-quote si Jobert Sucaldito. Dahil sa isa raw Zoom meeting kasama si Dominic Roque ay hindi nai-mute ni Dominic yung kanyang microphone. Kaya na-overhear ng mga ka-meeting nila sa Zoom yung something like 'hon, you like tacos?'"

Read also

Maris Racal sa nabuong love team nila sa CBML: "That’s it for SnoRene"

Aniya, isang source ang nakapagsabi sa kanyang nagtutungo na umano si Dominic bahay nina Bea.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Eto naman meron ding nagsabi sa akin, Ewan ko kung totoo ito ha. Kasi importante sa kanila natin marinig, kay Bea at kay Dominic, kung totoo na bago mag-Singapore si Bea kasama ang family, e doon pa natulog sa kanya si Dominic,
"May nagsabi lang sa akin na before she left for Singapore, e yun nga, natulog daw dun si Dominic. 'Di ko naman alam sang bahagi ng bahay ni Bea natulog si Dominic."

At maging nang bumalik daw si Bea at kanyang pamilya mula sa Singapore ay muling nagpunta si Dominic sa tahanan ni Bea kung saan daw ito natulog.

"Pero ang malinaw sa akin na ikinuwento, ewan ko lang kung totoo din ah, importante marinig natin sa kanila, na after ng Singapore naman ay nagkita ulit sila, pumunta ulit doon si Dominic. at nakatulog daw sa sala, sa sofa."

Read also

Diego Loyzaga sa pagiging lolo ni Cesar Montano: "Sobrang mahal na mahal niya si Hailey"

Gayunpaman, patuloy ang paalala ni Ogie na mas mainam kung ang dalawa mismo ang ang magkumpirma o maari rin namang mag-deny sa mga nababalitang ito.

"'Eto 'yung mga ganitong tagpo, nakakakilig yan ah sa amin. Nakakatuwa yan kasi ibig sabihin, magandang balita yun kung totoong sila ay magkaayos na lalo pa kung nagkabalikan na sila."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang "Fast Talk with Boy Abunda". Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Read also

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel