Diego Loyzaga sa pagiging lolo ni Cesar Montano: "Sobrang mahal na mahal niya si Hailey"

Diego Loyzaga sa pagiging lolo ni Cesar Montano: "Sobrang mahal na mahal niya si Hailey"

- Naikwento ni Diego Loyzaga kung gaano kamahal ni Cesar Montano ang apo nitong si Hailey

- Si Hailey ang anak ni Diego at ni Alexis Suapengco

- Kamakailan lang kinakitaan umano si Cesar ng sobrang concern ni Cesar nang magkasakit ang apo

- Lalo na nang malaman nitong tila si Diego pa ang nakahawa sa anak

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi ni Diego Loyzaga ang relasyon ng amang si Cesar Montano sa apo nitong si Hailey.

Diego Loyzaga sa pagiging lolo ni Cesar Montano: "Sobrang mahal na mahal niya si Hailey"
Diego Loyzaga kasama ang kanyang baby na si Hailey (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Si Hailey ang anak ni Diego Loyzaga sa ad model at yoga instructor na si Alexis Suapengco.

Kwento ni Diego, kamakailan ay nagkasakit umano si Hailey at siya pa umano ang tila nakahawa sa anak.

Magkikita sana sila noon ng amang si Cesar ngunit hindi natuloy dahil dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

"Sobrang mahal na mahal niya si Hailey. Ang usapan namin, yesterday, Sunday, magchu-church kami e I came down with a sickness pati si Hailey."

"Sabi niya, hindi ka ba nag-iisip na may sakit ka, pinuntahan mo 'yung anak mo?"

"He said, 'awang- awa ako sa baby parang ako, 'dad, sa akin hindi ka naaawa?" natatawang pagsasalaysay ni Diego.

"It's cute naman... More than anything, hindi ko naman naramdaman na parang pinagalitan niya ako. Parang na-cute-an lang ako sa kanya na ganun siya mag-isip,"ayon pa kay Diego.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Diego mula sa Ogie Diaz Inspires Youtube channel:

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Paulo at Kim ayon sa source ni Ogie D: "Sobrang malapit nila sa isa't isa"

At noong Agosto ng nakaraang taong 2023, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Subalit hindi nagtagal, gumulantang din sa publiko ang naging post ni Lex patungkol sa 'di umano'y pagpapalayas sa kanila noon ni Diego para lamang sa babae. Gayunpaman, sila'y nagkaayos para na rin sa anak nilang si Hailey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel