Cristy Fermin, nilarawan bilang 'pinakamaligayang ama' si Dennis Padilla

Cristy Fermin, nilarawan bilang 'pinakamaligayang ama' si Dennis Padilla

- Nilarawan ni Cristy Fermin bilang pinakamaligayang ama si Dennis Padilla

- Ito'y matapos na maibahagi ng aktor na nagpadala ng mensahe sa kanya ang anak na si Julia Barretto

- Matagal na panahon ding naghintay si Dennis sa pagkakataong ito at natupad sa kanya mismong kaarawan

- Dahil dito, umaasa si Dennis na ito na umano ang magandang simula upang makausap at makasamang muli ang mga anak kay Marjorie Barretto

Masaya rin sina Cristy Fermin para kay Dennis Padilla na sa matagal na panahon, tila naalala na siya ng anak na si Julia Barretto.

Cristy Fermin, nilarawan bilang 'pinakamaligayang ama' si Dennis Padilla
Julia Barretto and Dennis Padilla (@dennisastig)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan, ibinahagi ni Dennis ang mensaheng natanggap niya mula kay Julia sa gabi ng kaarawan niya noong Pebrero 9.

Aminado si Dennis na halos hindi makapaniwalang galing kay Julia ang mensahe sa espesyal na araw pa niya.

Dahil dito, nilarawan ni Cristy Fermin na pinakamasayang ama si Dennis Padilla.

Read also

Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pinakamaligayang ama si Dennis Padilla," ani Cristy.

"Alam mo si Dennis, hindi na nangangalangan ng anumang regalong materyal"

"Ang sabi lang ni Dennis, alam naman ng kanyang mga kapatid na nag-text siya sa Papa niya. Sana maging si Claudia at si Leon ganun na rin ang mangyari," giit pa raw nito.

"'Yung mata ni Dennis nung kinikwento na nagtext si Julia sa kanya, hindi kayang ipinta 'yan. Siya lamang ang makakapinta sa kanyang pinsel kung gaano siya kaligaya na makatanggap ng mensahe mula sa kanyang anak."

Aminado si Cristy na maging sila sa Showbiz Now na! ay masaya sa kaganapang ito kay Dennis.

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Read also

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Gayunpaman, ngayong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press kamakailan, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, patunay na patuloy ang pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel