Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

- Nilinaw ni Jamie Bautista na walang 3rd party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

- Aniya, maayos nilang napag-usapan at parehas nilang napagdesisyunan ang kanilang paghihiwalay

- Sa kanyang post ay sinabi niyang kailangan muna din niyang mag-heal mula sa sakit ng mga nangyari

- Pinasalamatan niya si Anthony sa lahat ng memories na kanilang pinagsamahan

Minabuti ni Jamie Bautista na linawing walang 3rd party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones. Aniya, napag-usapan nila nang maayos at parehas nilang desisyon na maghiwalay.

Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones
Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones
Source: Facebook
Gusto ko lang din iclarify. yung sa mga gumagawa po ng fake news, there’s no third party involved. Maayos po naming napag-usapan ito at parehas po naming napagdesisyunan ito.

Sa post na binahagi ni Jamie, pinasalamatan niya si Anthony sa lahat ng memories na kanilang pinagsamahan.

Thank you sa lahat ng memories.

Read also

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbilin din ito na sana daw ay mag-ingat palagi si Anthony.

Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo.

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Read also

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel