Alex Gonzaga, ikinuwentong minsan na siyang na-hold sa airport dahil umano sa lotion

Alex Gonzaga, ikinuwentong minsan na siyang na-hold sa airport dahil umano sa lotion

- Sa bag raid ni Carla Abellana kay Alex Gonzaga naikwento nito ang tungkol sa pagka-hold niya sa airport dahil sa lotion

- Inabot din umano ito ng halos isang oras bago matapos ang ilang katanungan ng umano'y airport officer

- Hindi rin umano nalaman ni Alex kung bakit naging dahilan ng pagka-hold sa kanya ang naturang lotion

- Gayunpaman, patuloy pa rin niya itong ginagamit subalit nagbigay babala siya sa pagdadala nito abroad

Naikwento ni Alex Gonzaga ang minsang pagkaka-hold umano sa kanya sa airport dahil lamang sa lotion.

Alex Gonzaga, ikinuwentong minsan na siyang na-hold sa airport dahil umano sa lotion
Carla Abellana and Alex Gonzaga (Carla Abellana YouTube)
Source: Instagram

Sa bag raid na ginawa sa kanya sa vlog ni Carla Abellana, idinetalye niya ang buong pangyayari.

"May story kasi diyan. 'Nung nasa Europe kami 'non, Amsterdam papuntang Venice. So bago ako bumaba ng airport, nag-ganun ako. Feel na feel ko... hinawakan ko 'yung bag ko. Tapos, alam mo yung sa airport yung ginaganon ng cotton tapos may papasukan tapos may papasukan tapos pag-uusapan nila... 'Uy alam mo ang tagal ko doon," ani Alex.

Read also

Gloc-9, emosyonal nang sabihing regalo sa anak ang kantang 'Sirena': "My son is gay"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Naka-hold na ako nito mga one hour na. Bumaba na 'yung pinaka-head. Tapos kinausap ako 'nung head kasi ginanun uli niya. Did you leave your bag? Natakot ako, sabi ko no. Did you put anything in your bag? no! Did you ask someone to hold it for you? No! Did you clean your bag? No! Did you put anything? Usap na naman sila natatakot na ako," giit pa niya.
"Bigla kong naisip, sabi ko 'hey I put lotion!' e nakita nila puro Hong Kong. okay... okay. 'Yun pala nababasa. So medyo delikado pala..."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Carla Abellana YouTube channel:

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Minsan na niyang naikwento na naantala umano ang pagpaparetoke niya ng ilong dahil daw sa Tropang Lol. Ito ay dahil sa isa umanong segment ng programa, naglalagayan sila ng icing sa mukha.

Gayunpaman, walang anumang isyu sa kanyang pamilya ang desisyong ipagawa ang ilong. Katunayan, nagbiro pa itong sa susunod na siya'y magpapagawa, magpapalagay siya ng ilong sa baba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel