Alex Gonzaga, naantala ng 2 taon ang planong pagpapaayos ng ilong dahil sa Tropang Lol

Alex Gonzaga, naantala ng 2 taon ang planong pagpapaayos ng ilong dahil sa Tropang Lol

- Naibahagi ni Alex Gonzaga na inabot ng dalawang taon ang kanyang pagpapaayos ng kanyang ilong dahil sa "Tropang Lol"

- Doon kasi sa noontime show nila ay may segment na naglalagay sila ng icing sa kanilang kasamahan

- Ani Alex, wala namang naging problema sa kanyang pamilya nang magpaayos siya ng ilong

- Maging ang kanyang asawang si Mikee ay wala naman daw pagtutol kung ito daw ang gusto ni Alex

Nabanggit ni Alex Gonzaga sa panayam ng PopLife.ph na naantala ng dalawang taon ang kanyang pagpapaayos ng ilong dahil sa noontime show nilang Tropang Lol. Sa isang segment ng naturang noontime show ay naglalagayan sila ng icing sa mukha.

Alex Gonzaga, naantala ng 2 taon ang planong pagpapaayos ng ilong dahil sa Tropang Lol
Alex Gonzaga, naantala ng 2 taon ang planong pagpapaayos ng ilong dahil sa Tropang Lol
Source: Instagram

Hindi naman daw nagkaproblema si Alex sa kanyang pamilya sa pagpapagawa niya ng ilong. maging ang asawa niyang si Mikee ay okay naman daw kung ito ang gusto niya basta daw wala na siyang ibang ipagawa.

Read also

Toni Fowler binahagi ang video nila ni Papi: "Sayang lang boses ko walang tf"

Biro pa ni Alex, ang susunod daw niyang ipapagawa ay magpapalagay siya ng isa pang ilong sa kanyang baba.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel