Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga clickbait at mga fake news"

Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga clickbait at mga fake news"

- Sumang-ayon si Vice Ganda sa komento ng isang netizen na pinagkakaperahan daw ng ibang tao ang paninira

- Ito ay kasunod ng pag-alma ni Vice kaugnay sa headline ng isang online news site na aniya ay clickbait

- Ani Vice, gamit na gamit siya sa mga clickbait at mga fake news

- Ang tinutukoy niyang headline ay tungkol sa biro ni Vice Ganda sa staff ng isang fast food chain na kanyang iniindorso

Sumang-ayon si Vice Ganda na gamit na gamit siya mga clickbait at mga fake news. Ito ay matapos niyang palagan ang isang headline ng isang article mula sa isang online news site.

Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga click baits at mga fake news"
Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga click baits at mga fake news"
Source: Instagram

Inalmahan niya ang headline na nagsabing 'nagalit' daw siya sa staff ng isang fast food. Ang tinutukoy ng article ay ang video niya kung saan biniro niya ang staff ng ini-indorso niyang fast food chain.

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Aktwali! Gamit na gamit ako sa mga click baits at mga fake news ng mga fowtah. Pa-shopee naman kayo mga mhi dami nyo na ring kinita e. Bwak bwak bwak!

Ito ang kanyang sagot bilang pagsang-ayon sa komentong ginagawang negosyo sa paninira kay Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Zanjoe Marudo, ibinida ang picture nila ni Ria Atayde

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel