Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga

Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang nakakaaliw na biro niya sa mister na si Mikee Morada

- Kinantahan niya ito ng kantang may pamagat na 'Lambingin Mo Naman Ako'

- Gayunpaman, sa huling bahagi ng kanyang kanta ay binago niya ang ilang salita kaya nag-iba ang reaksiyon ng mukha ni Mikee

- Napalatak ito at umalis na lamang habang natatawa pa rin ang asawa niyang si Alex

Binahagi ni Alex Gonzaga ang video ng kanyang pagkanta sa asawa niyang si Mikee Morada. Sa huling bahagi ng kanyang kanta ay binago niya ang ilang salita kaya nag-iba ang reaksiyon ng mukha ni Mikee.

Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga
Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga
Source: TikTok

Kinantahan niya ito ng kantang may pamagat na Lambingin Mo Naman Ako. Nakangiti pa si Mikee sa umpisa at hinalikan pa si Alex sa pisngi. Nang baguhin nito ang lyrics ng kanta ay nag-iba ang mukha ng kanyang mister.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang 'sablay' na pictures: "Ganda na sana"

Tila naman sanay na si Alex dito dahil hindi makikitang nabahala siya at natawa na lang siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel