Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang 'sablay' na pictures: "Ganda na sana"

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang 'sablay' na pictures: "Ganda na sana"

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang ilang pictures niya na aniya ay sablay dahil todo-pose siya ngunit nakapikit siya

- Aniya, maganda na sana ang mga kinuha niya kung hindi lang talaga sumablay ang ilan sa mga ito

- May binahagi din siyang nakakatawang pagbati para sa Valentines Day bukas

- Binati niya ang aniya'y di magbibitbit ng malaking teddy bear at bulaklak sa mall bukas

Kinaaliwan ang post ni Alex Gonzaga kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga pictures niya na kuha sa kanyang photoshoot. Ibinahagi niya ang ilang pictures niya na nakapikit siya.

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang 'sablay' na pictures: "Ganda na sana"
Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang 'sablay' na pictures: "Ganda na sana"
Source: Instagram

Aniya, ganda na sana pero may sablay talaga lagi. May binahagi din siyang nakakatawang pagbati para sa Valentines Day bukas para sa aniya'y di magbibitbit ng malaking teddy bear at bulaklak sa mall bukas.

Ganda na sana pero may sablay talaga lagi e. Happy valentines day sa mga di magbibitbit ng malaking teddy bear at bulaklak sa mall

Read also

Toni Fowler: "Me watching kung paano ka mag sosorry for 947th time"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel