Toni Fowler, masayang-masaya na may heartbeat na ang pinagbubuntis niya

Toni Fowler, masayang-masaya na may heartbeat na ang pinagbubuntis niya

- Masayang-masaya sina Toni Fowler at mga ibang ToRo family nang muling nagpa-ultrasound si Toni

- Sa kanilang pagbabalik para sa ultrasound, mayroon nang heartbeat ang anak nila ni Vince Flores

- Maging ang kaibigan niyang si Papi Galang ay hindi napigil na maluha habang pinagmamasdan ang ultrasound

- Tuwang-tuwa din si Tyronia Fowler na makita ang kanyang kapatid nang mag-video call si Vince para ipaalam sa kanya ang resulta ng pagpapasuri ng kanyang mommy

Tuwang-tuwa si Toni Fowler nang makita nila sa ultrasound na mayroon nang heartbeat ang kanyang pinagbubuntis. Maging ang anak na si Tyronia ay masayang-masaya.

Toni Fowler, masayang-masaya na may heartbeat na ang pinagbubuntis nya
Toni Fowler, masayang-masaya na may heartbeat na ang pinagbubuntis nya
Source: Youtube

Kasama din niya si Vince Flores na aminadong pinipigil niya ang kanyang luha dahil sa sobrang galak. Maging si Papi Galang ay naluha habang tinitingnan ang ultrasound ng kanyang kaibigan.

Si Papi ang nag-asikaso sa mga kailangan ni Toni kahit buntis ito sa kanyang ikatlong anak. Kaya naman, na-appreciate din nila Toni at Vince ang ginagawang ito ni Papi.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel