Carla Abellana sa mga nang-okray sa preloved niya: ‘Grabe kayo!’

Carla Abellana sa mga nang-okray sa preloved niya: ‘Grabe kayo!’

- Nagsalita na si Carla Abellana kaugnay sa mga negatibong komento sa binebenta niyang pre-loved items

- Aniya, hindi totoo ang sinasabing mahal ang kanyang benta dahil aniya ay mas mababa ang presyo ng ng mga ito sa original price

- Dagdag pa niya, nakadepende naman din ito sa kondisyon ng mga produkto

- Desisyon naman daw ng buyers kung interesado sila o kung gusto nilang bilhin ang kanyang mga pre-loved na gamit

Sinagot ni Carla Abellana ang mga pamumuna ng ilang netizens sa kanyang preloved na gamit na kanyang binebenta. Sa panayam ng 24 Oras, nilinaw niyang mas mababa ang presyo ng ng mga ito sa original price ng mga ito.

Carla Abellana sa mga nang-okray sa preloved niya: ‘Grabe kayo!’
Carla Abellana sa mga nang-okray sa preloved niya: ‘Grabe kayo!’
Source: Instagram

May mga nagsasabing hindi tugma ang presyo ng kanyang mga preloved sa kondisyon nito.

“Hindi ‘yun totoo, grabe kayo!”ey niya.

Aniya, mas mababa naman niyang binenta ang mga ito.

Read also

Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“I would sell something na much less naman than how much I got it for ‘diba, lalo na dahil ‘yung condition niya depende din doon,”

Dagdag pa niya desisyon naman daw ng buyers kung interesado sila o kung gusto nilang bilhin ang kanyang mga pre-loved na gamit.

“Well, choice naman nila ‘yun, of course, if they are interested, if they want to buy it or not.”

Ayon pa sa nasabing ulat, nakasanayan ni Carla na magbenta ng mga gamit na aniya ay mapapakinabangan pa ng iba lalo at lilipat siya ng bagong bahay kaya kailangan niyang mag declustter.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel