Marian Rivera, umalma sa gumagawa ng fake quote: "Nakakarami na po kayo. Tama na!"

Marian Rivera, umalma sa gumagawa ng fake quote: "Nakakarami na po kayo. Tama na!"

- Inalmahan ni Marian Rivera ang gumagawa ng fake na quote card para palabasin na siya ang nagsabi ng nakakaintrigang pahayag

- Mariing pinabulaanan ni Marian na sinabi niya ang nasa ginawang quote card

- Maging ang ilang mga artista ay nagreklamo na rin patungkol sa talamak na pag-edit ng fake quote

- Umani naman ng suporta mula sa netizens ang ginawang ito ni Marian upang matigil na ang ganitong mga gawain

Umalma si Marian Rivera sa isang fake quote na ginawa upang palabasin na siya ang nagsabi ng pahayag tungkol sa pagiging maswerte sa mabait na biyenan. Mariin niyang pinabulaanan na siya ang nagsabi niyon.

Marian Rivera, umalma sa gumagawa ng fake quote: "Nakakarami na po kayo. Tama na!"
Marian Rivera, umalma sa gumagawa ng fake quote: "Nakakarami na po kayo. Tama na!"
Source: Facebook

Dagdag pa ni Marian, tigilan na ang ganitong gawain at nakakarami na daw ang mga taong ito.

Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!! nakakarami na po kayo. tama na!

Read also

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

Maging ang ilang mga artista ay nagreklamo na rin patungkol sa talamak na pag-edit ng fake quote na kadalasang nagiging daan sa pagpapalaganap ng fake news at paninira.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna". Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Read also

Trina Candaza, ipinasilip ang kanilang bagong tirahan

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel