Trina Candaza, ipinasilip ang kanilang bagong tirahan

Trina Candaza, ipinasilip ang kanilang bagong tirahan

- Sa pinakabago niyang vlog, pinasilip ni Trina Candaza ang bago nilang tirahan ng kanyang anak na si Mithi

- Mula sa kanilang condo life, nagdesisyon na si Trina na manirahan sa isang bahay

- Doon, mayroon na ring playroom si Mithi at sariling bed kahit kasama pa rin niya ito sa kwarto

- Umani ng papuri ang naturang vlog ni Trina lalo na't mapapanood din ang anak niyang si Mithi na tila masaya rin sa bago nilang tirahan

Ipinasilip ni Trina Candaza ang bago nilang tirahan ng kanyang anak na si Enola Mithi.

Trina Candaza, ipinasilip ang kanilang bagong tirahan
Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Sa pinakabago niyang vlog, ipinakita ni Trina ang halos bawat sulok ng kanilang bahay.

Matatandaang sa condo sila noon na nirahan ni Mithi na nilarawan niyang tila nasa isang 'kahon' sila. Kaya naman malaking bagay na nakalipat sila sa mas maluwag na lugar bagama't nirerentahan pa lamang niya ito.

Read also

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

Ipinakita rin ni Trina na sinisimulan na niyang turuan ang anak na matulog sa sarili nitong kama. Subalit tila naninibago pa rin daw ito at tumatabi pa rin sa kanya kapag malalim na ang gabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, makikita ang saya ni Mithi na may sarili na ring playroom sa nilipatan nilang tirahan.

Narito ang kabuuan ng house tour ni Trina mula sa kanyang YouTube channel:

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino. Nabiyayaan sila ng isang supling si Enola Mithi na tatlong taong gulang na noong nakaraang taon.

Matatandaang sa 3rd birthday pa ni Mithi, naging kontrobersyal ang hindi pagsipot ni Carlo. Sa mga naunang birthday kasi nito, kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay nakadalo pa noon si Carlo alang-alang sa anak.

Marami rin ang naantig ang puso sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Trina sa pagbubukas ng taong 2023. Isa na rito ang paglilinaw ni Trina tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag noon ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel