Boy Abunda, umano'y kinumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Boy Abunda, umano'y kinumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Nabanggit ni Boy Abunda sa kanyang programa na umano'y hiwalay na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Bungad niya ito sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Pebrero 6

- Matatandaang una nang naibalita ni Ogie Diaz na umano'y hiwalay na ang BeaDom ayon sa kanyang source

- Minsan pa raw nakausap ni Boy si Bea tungkol sa wedding plans nila ni Dominic kaya laking gulat daw niya nang malamang tila hindi na ito matutuloy sa ngayon

Maging si Boy Abunda ay nagbigay pahayag tungkol sa naging matunog na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Boy Abunda, umano'y kinumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda, ito umano ang nakakalungkot na balitan na una niyang tinalakay sa araw ng Pebrero 6.

"As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea," ang umano'y pagkumpirma ni Boy Abunda.

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Aniya, tila hindi siya makapaniwala sa nakarating na balitang ito lalo na at minsan na niyang nakausap si Bea ukol sa wedding plans nila ni Dominic.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ako'y nalungkot ho talaga dahil madalas, 'pag nagkikita kami ni Bea, ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay. Tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera... So, I was shocked," gayunpaman, nabanggit din ni Boy ayon sa isang 'good source' kagabi lamang umano ay nag-usap sina Bea at Dominic na sinusubukan umanong intindihin ang isa't isa.

"They're going thru a rough patch," giit pa ni Boy. "May God grant them what is best."

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Boy:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, humakot ng mahigit 1.7M views

Samantala, July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel