TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, humakot ng mahigit 1.7M views

TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, humakot ng mahigit 1.7M views

- Binalikan ng netizens ang isang TikTok video nina Bea Alonzo at ni Cheska Fausto kung saan sinubukan nila ang filter na 'Nasa tamang tao ka na ba"

- Dito ay makikitang ang resulta ng naturang filter kay Bea na siya raw ay tatandang single

- Sa caption ng naturang TikTok video ay natawa pa si Cheska at sinabing hindi ito totoo

- Muling umani ng komento ang naturang video matapos lumabas ang haka-hakang hiwalay na sina Bea at Dominic Roque

Nag-viral ang TikTok video nina Bea Alonzo at Cheska Fausto kung saan sinubukan nila ang filter na 'Nasa tamang tao ka na ba?" Sa gitna ng haka-hakang hiwalay na sina Bea at Dominic Roque, muling umani ng mga komento ang naturang video.

TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, muling pinag-usapan
TikTok video ni Bea Alonzo at Cheska Fausto, muling pinag-usapan
Source: TikTok

Umabot na sa mahigit 1.7 million views ito.

Makikita sa video ang reaksiyon ni Bea matapos lumabas ang resulta ng naturang filter na nagsasabing si Bea daw ay tatandang single.

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Natawa pa si Cheska at sinabing hindi ito totoo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

HAHAHAHAHAHA hindi totoo tiktok! with ate Beaaaaaa

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Boy Abunda, umano'y kinumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel