Dominic Roque, ibinida ang bonding moments nila ng kanyang mga kaibigan

Dominic Roque, ibinida ang bonding moments nila ng kanyang mga kaibigan

- Naibahagi ni Dominic Roque ang mga ganap sa holiday dinner nila ng kanyang mga kaibigan

- Kasama niya sa naturang video ang mga kaibigang sina Patrick Sugui, ang asawa nitong si Aeriel Garcia, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Cristine Reyes at Marco Gumabao

- Base sa kanyang caption, late upload na ito at kalakip sa hashtags ni Dominic ay kanyang pagbati sa kaarawan ni Khalil

- Matatandaang diretsahang sinabi ni Dominic kamakailan na hindi sila okay ni Daniel Padilla kaya si Kathryn lang ang imbitado sa kasal nila ni Bea Alonzo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Dominic Roque ang masayang bonding moment nila ng kanyang mga kaibigan. Kasama niya ang mga kaibigang sina Patrick Sugui, ang asawa nitong si Aeriel Garcia, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Read also

Ivana Alawi, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo

Dominic Roque, ibinida ang bonding moments nila ng kanyang mga kaibigan
Dominic Roque, ibinida ang bonding moments nila ng kanyang mga kaibigan
Source: Instagram

Ibinida niya rin sa naturang video ang anak ng mag-asawang Patrick at Aeriel.

Matatandaang diretsahang sinabi ni Dominic kamakailan na hindi sila okay ni Daniel Padilla kaya si Kathryn lang ang imbitado sa kasal nila ni Bea Alonzo kaya umani ng komento ang post na ito ni Dominic.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Dominic Roque ay isang aktor at modelo mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Hulyo 20, 1990, sa Quezon City, Philippines. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa telebisyon at pelikula. Ilan sa mga proyektong kanyang naging bahagi ay ang "Aryana," "May Isang Pangarap," at "A Soldier's Heart" sa telebisyon. Kasama rin siya sa ilang pelikula tulad ng "Ang Henerasyong Sumuko Sa Love" at "Fangirl/Fanboy."

Kinakiligan ng mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic. Taong 2020 pa nang iugnay sina Bea at Dominic ngunit taong 2021 lamang nang hayagan nilang isinapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, sinorpresa ni Bea si Dominic para sa kaarawan nito. Isang surprise dinner ang kanyang pinahanda kung saan ilan sa malalapit na kaibigan at mahahalagang tao para kay Dominic ang dumalo. Sa isang video na binahagi ni Bea, ang buong akala ni Dominic ay para sa kanilang endorsement ang kanilang pinuntahan. Kaya naman, nang makita niya ang venue at ang mga taong malapit sa kanya, nagulat siya at agad na pinasalamatan ang girlfriend.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate