Ivana Alawi, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo

Ivana Alawi, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo

- Ibinida ni Ivana Alawi ang bonggang regalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo

- Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi niya kung ano ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang kaarawan

- Kwento ni Ivana, hindi lamang siya ang naregaluhan ni Dra. Vicki, kundi maging ang ang kanyang buong pamilya

- Noong Disyembre 25, ipinagdiwang ni Ivana ang kanyang ika-27 na kaarawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Ivana sa mga regalong kanyang natanggap. Maging ang kanyang kapatid na si Mona ay natutuwang panoorin ang kanyang ate na magbukas ng mga regalong natanggap nito.

Ivana Alawi, ibinida ang mga bonggang regalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Masayang ibinida ni Ivana ang mga bonggang regalong natanggap niya mula kay Dr. Vicki Belo.

Ilan lamang ito sa mga regalong natanggap niya mula sa kanyang kaarawan noong araw din ng Kapaskuhan.

Read also

Janno Gibbs, idinetalye ang huling usap nila ng ama: "I think he made sure na tulog ako"

"Sobrang cute actually 'nung story. Una, Nagpadala siya ng bracelet. Hindi niya kasi alam king ano ibibigay niya sakin. So sabi ko Doc, 'wag ka na mag-isip kasi okay lang ako. Sabi ko happy naman ako na nakilala ko sila at sobrang bait nila sa akin... Sabi ko, that's more than enough."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

VCA bracelet ang ibinigay ni Dr. Belo kay Ivana. Hindi lamang isa, kundi dalawa dahil nalaman pa nitong kaarawan din ni Ivana noong Pasko.

Kwento pa ni Ivana, hindi lamang siya ang niregaluhan ng pamilya ni Belo kundi pati na rin ang pamilya niya.

"So sina Dra. Vicki Belo, Doc Hayden si Scarlet, nagbigay sila ng gifts kina Mama, kay Mona kay Hash, para sa mga family ko."
"Sobrang thoughtful nila, Para na silang part of our family. Sobtang love namin si Doc Belo, Doc Hayden at si Scarlet. So, thank you so much."

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel