Maris Racal, napuri ni Gladys Reyes: "one of the promising and talented actors that we have now"

Maris Racal, napuri ni Gladys Reyes: "one of the promising and talented actors that we have now"

- Napuri ni Gladys Reyes ang aktres na si Maris Racal

- Sa panayam sa kanya ni Maricel Soriano, isa si Maris sa nabanggit ni Gladys tungkol sa mga bagong henerasyon ng mga aktor

- Bumilib umano si Gladys sa husay ni Maris sa kanilang propesyon

- Hanga din umano siya sa repesto nito sa mga katrabaho at sa dedikasyon sa kanyang ginagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ni Gladys Reyes ang aktres na si Maris Racal na minsan niyang nakatrabaho sa pelikulang 'Here comes the groom.'

Maris Racal, napuri ni Gladys Reyes: "one of the promising and talented actors that we have now"
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa panayam ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa isa sa itinuturing niyang anak sa showbiz na si Gladys, napag-usapan nila ang ilang mga bagong henerasyon ng artista ngayon.

Doon, nabanggit ni Gladys si Maris na isa umano sa kinakikitaan niya ng dedikasyon sa trabaho.

Read also

Gloc-9, inalala ang unang beses na makita si Francis M: "Parang nakita ko si Superman"

"Si Maris po is one of the promising and talented actors that we have now. At saka musikera rin yung bata and nakita ko rin yung kagustuhan niya 'dun sa ginagawa niya. 'Yung respeto niya sa katrabaho. 'Yung dedication 'nung bata," pahayag ni Gladys.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod kay Maris, nabanggit din nila si Enchong Dee na kahanga-hanga rin umano ang husay sa pag-arte.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Gladys mula sa YouTube channel ni Maricel Soriano:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Read also

Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter kanyang bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't buy me love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel