McCoy de Leon, binahagi ang reaksiyon ni Felize nang sabihang boy siya

McCoy de Leon, binahagi ang reaksiyon ni Felize nang sabihang boy siya

- Kinaaliwan si Felize De Leon matapos ibahagi ni McCoy de Leon ang video ng anak sa TikTok

- Makikita sa naturang video ang pagsagot ni Felize nang sabihan siyang boy daw siya

- Sinagot ito ni Felize at sinabing girl siya sabay sinuklay ang kanyang buhok ngunit sinabihan siyang parang boy daw kasi siya kumilos

- Lumingon si Felize nang nakataas ang isang kilay na tila ba nagtataray na kinaaliwan ng mga netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naaliw kay Felize De Leon sa binahaging video ni McCoy de Leon sa TikTok. Makikita sa naturang video ang naging reaksiyon ni Felize nang sabihan siyang boy daw siya.

McCoy de Leon, binahagi ang reaksiyon ni Felize nang sabihang boy siya
McCoy de Leon, binahagi ang reaksiyon ni Felize nang sabihang boy siya
Source: Instagram

Sinagot ito ni Felize at sinabi niyang girl siya.

"I'm not a boy, I'm a girl, why u like that."

Read also

Gloc-9, ikinuwento paano noon napapayag si Boy Abunda sa music video ng 'Sirena'

Kasunod ng kanyang sinabi ay nagsuklay ito sa harap ng salamin. Base sa naturang video, tila si Elisse ang nagsasalita at sinabihan siyang parang lalaki daw itong kumilos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumingon si Felize nang nakataas ang isang kilay na tila ba nagtataray na kinaaliwan ng mga netizens.

Jusko k FELIZE nakakagood vibes grabe.pang 30x ko ng inuulit ulit.super duper cuteness overload.
Hala tumaas ang kilay
Yung boombastic side eye parang kay ninong nikko natutunan so cutieeee

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Read also

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel