Zeinab Harake, nawindang sa mga regalo ni Ray Parks: "May spongkey na ako, nakakaiyak"

Zeinab Harake, nawindang sa mga regalo ni Ray Parks: "May spongkey na ako, nakakaiyak"

- Binahagi ni Zienab Harake ang kanyang pagbukas ng mga regalo sa kanya ni Bobby Ray Parks

- Naiyak siya nang buksan niya ang unang gift dahil aniya ay napakahalaga ng binigay nitong Bible

- Bukod dito ay binigyan din siya ng branded na slides, sandals at mamahaling bag na ayon kay Zeinab ay umabot sa 700K

- Aminado naman si Zeinab na na-pressure siya sa kanyang ire-regalo kay Ray sa kaarawan nito dahil aniya ay ginalingan nito ang kanyang pagbibigay ng regalo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Zeinab Harake na hindi siya sanay na makatanggap ng mahal na regalo kaya naman nawindang siya nang makita niya ang mga regalo mula kay Bobby Ray Parks. Bukod sa Bible ay binigyan din siya ng branded na slides, sandals at mamahaling bag na ayon kay Zeinab ay umabot sa 700K.

Read also

Bernadette Sembrano, natuwa sa bahay ni Camille Prats: "Wow may elevator!"

Zeinab Harake, nawindang sa mga regalo ni Ray Parks: "May spongkey na ako"
Zeinab Harake, nawindang sa mga regalo ni Ray Parks: "May spongkey na ako"
Source: Youtube

Nagbiro pa si Zeinab na may spongkey na daw siya dahil sa mamahaling mga gamit na kanyang natanggap. Napatanong pa si Zeinab dahil aniya ay nag-iipon sila. Ayon naman kay Ray, nasa budget naman ang lahat ng binili niya para kay Zeinab.

Hindi naman maitago ni Zeinab ang kanyang tuwa sa mga binigay sa kanya. Aminado naman si Zeinab na na-pressure siya sa kanyang ire-regalo kay Ray sa kaarawan nito dahil aniya ay ginalingan nito ang kanyang pagbibigay ng regalo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang inalmahan ni Zeinab sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks. Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho. May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito. Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Sinulit nina Bobby Ray at Zeinab ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol. Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon. Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan. Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel