Bernadette Sembrano, natuwa sa bahay ni Camille Prats: "Wow may elevator!"

Bernadette Sembrano, natuwa sa bahay ni Camille Prats: "Wow may elevator!"

- Naibahagi ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel ang house tour sa bahay ni Camille Prats

- Naibahagi ni Camille kung paano nila naipatayo ng kanyang asawa ang kanilang bahay na ayon sa aktres ay naroroon na ang mga kailangan nila

- Kabilang sa napansin ni Ate B ay ang elevator sa bahay ni Camille na ayon sa kanya ay hindi sinadya

- Napagtanto daw nila na lagyan ng elevator dahil sa 3rd floor ang kwarto nilang mag-asawa at para hindi rin mahirap sa kanya tuwing uuwi siyang pagod galing sa taping

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Bernadette Sembrano ang bahay ni Camille Prats sa pamamagitan ng isang house tour. Kabilang sa napansin ni Ate B ay ang elevator sa bahay ni Camille.

Bernadette Sembrano, natuwa sa bahay ni Camille Prats: "Wow may elevator!"
Bernadette Sembrano, natuwa sa bahay ni Camille Prats: "Wow may elevator!"
Source: Youtube

Ayon kay Camille, napag-isipan nila na maglagay na lang ng elevator dahil nasa ikatlong palapag ang kwarto nilang mag-asawa. Ang goal daw ay magkasya lang ang isang wheelchair sa elevator.

Read also

Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay

Bukod pa rito, sinabi din ni Camille na para din ito kapag umuwi siyang pagod galing sa taping.

Samantala, nakwento ni Camille na noong kasagsagan ng pandemya, ay napagtanto niyang walang ambag sa buhay niya ang mga mamahaling gamit na kanyang binili noon. Aniya, ang Panginoon lang ang kailangan niya kaya mas naging matibay ang kanyang pananalig.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasunod nito ay dumagsa ang mga trabaho para sa kanya kaya nakapagpatayo sila ng bahay.

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah Ang Munting Prinsesa.

Matatandaang naibahagi ni Camille ang isang house tour sa bahay na pinapatayo nilang mag-asawa. Ayon sa kanya ay nakatakda na silang lumipat sa bagong bahay nila. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng bahay dahil sa mga pinatupad na restrictions dahil sa pandemya.

Read also

Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14

Sa kanyang kaarawan ay naibahagi ni Camille ang kwento tungkol sa kanila ng kanyang mister na si VJ Yambao. Walong taon umano sila nang unang magkakilala sa kanilang paaralan. Binahagi niya rin ang kanilang class picture noon. Pinasalamatan ni Camille ang mister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Ofw
Online view pixel