Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14

Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14

- Nabanggit sa binahaging video ni Andrew Schimmer ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend na si Dimps

- Sina Julius Babao at Tintin Babao ay pumunta sa bahay nila Andrew para makapanayam sila at maging ang mga anak nina Andrew at Dimps

- Para sa anak ni Dimps, masaya siya sa nalalapit na pagpapakasal nila sa February 14

- Ayon sa kanilang mga anak, masaya sila na naging mas masaya ang kanilang mga magulang at ang kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikakasal na sina Andrew Schimmer at ang girlfriend nito sa February 14. Ito ay nabanggit sa video ng panayam ni Julius Babao sa kanila.

Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14
Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14
Source: Facebook

Sa video na binahagi din ni Andrew, natanong ni Julius sa anak ni Dimps kung ano ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagpapakasal nila.

Read also

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

Aniya, looking forward siya na makita ang kanyang mommy na masaya kasama ang kanyang tito Andrew.

Nabanggit din nito kung gaano ka sweet ang mommy niya at si Andrew. Aniya noon ay palagi niyang nakikitang malungkot ang kanyang mommy kaya sana ay maging masaya daw sina Andrew at Dimps.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko. Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family. Pinasalamatan nito si Andrew sa pagbibigay niya ng pag-asa sa kanya kagaya ng pinagpapasalamat din ni Andrew.

Read also

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito. Gayunpaman, nanatili daw ang friendship nila ni Andrew at ngayon nga ay natuloy raw ang pagmamahalan nila. Isang commenter naman na binahagi din ng gf ni Andrew ang nagsabing hindi magkakakilala sina Andrew at ang gf nito noon kaya hindi totoo ang sinasabi nitong hula niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel