'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

- Nagsalita si Aron Manalo o kilala bilang si Tatay Elon kaugnay sa naging pahayag ng anak niyang si Tyronia Fowler

- Naiyak ito dahil sa mga sinabi sa kanya sa bagong episode ng reality show ng ToRo family

- Pinabulaanan niyang nanakit siya at inalamahan niya rin ang akusasyong hindi siya tapat sa asawa niya

- Aniya, pwede naman siya i-message nang direkta bakit daw binabanggit pa siya sa kanilang show gayong umalis na daw sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Aron Manalo o kilala bilang si Tatay Elon kaugnay sa naging pahayag ng anak niyang si Tyronia Fowler laban sa kanya. Pinabulaanan niya ang mga pahayag tungkol sa kanya.

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya
'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya
Source: Facebook

Aminado siyang nasasaktan siya sa mga naging pahayag ng anak niya sa dating karelasyong si Toni Fowler.

Read also

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Paliwanag niya ang tinutukoy ni Tyronia na namigay siya ng pera para sa twerk battle ay hindi naman sa kanyang bulsa nanggaling.

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan sila madamay sa content. Kaya daw sila umalis dahil gusto nila ng tahimik na buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Jiro Manio kung bakit niya binenta ang Best Actor trophy: "May pangangailangan din ako"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate