Jiro Manio kung bakit niya binenta ang Best Actor trophy: "May pangangailangan din ako"

Jiro Manio kung bakit niya binenta ang Best Actor trophy: "May pangangailangan din ako"

- Ayon kay Jiro Manio, naisip niyang gusto niyang mapabilang sa mga artistang may memorabilia sa itatayong museum ni Boss Toyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Isa ito sa kanyang dahilan sa pagbenta ng kanyang Gawag Urian trophy para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Magnifico

- Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin din niyang dala na rin ng kanyang pangangailangan kaya niya 'pinatago' kay Boss Toyo ang kanyang trophy

- Mukhang wala pa ring balak si Jiro pagdating sa usaping pagbabalik bilang artista dahil mas pinatutuunan daw niya ng pansin ang pamilya niya at ang kanyang recovery

Aminado si Jiro Manio na kabilang sa dahilan ng pagbenta niya ng Gawad Urian Best Actor trophy niya ay dala na rin ng hirap ng buhay. Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi niya din na naisip niyang gusto niyang mapabilang sa mga artistang may memorabilia sa itatayong museum ni Boss Toyo.

Read also

Ivana, happy sa kanyang love life: "Feeling ko malapit na, pwede nang mag-asawa. Char!"

Jiro Manio kung bakit niya binenta ang Best Actor trophy: "May pangangailangan din ako"
Jiro Manio kung bakit niya binenta ang Best Actor trophy: "May pangangailangan din ako"
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siguro mahirap din pero dahil nga nauunawaan naman ako ng mga tao siguro kung bakit ko pinatago kay Boss Toyo 'yung trophy. Siguro dala na rin ng hirap ng buhay, siguro maiintindihan ako ng mga tao na kailangan ko rin, may pangangailangan din ako."

Nabanggit niya din na wala pa siyang plano na magbalik sa pag-aartista dahil mas pinatutuonan daw niya ng pansin ang pamilya niya at ang kanyang recovery.

"Masaya naman po ako sa araw-araw at nakakatulong po ako sa kanila at isa pa, iniintindi ko po yung self-recovery ko kasi saan man ako magpunta maari ba akong mapabisyo na naman o hindi. Ngayon stable muna ako sa family ko.

Si Jiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico' noong siya'y sampung taong gulang pa lamang.

Read also

Claudine Barretto sa perang gusto nyang bawiin: "We're talking about hundreds of millions"

Isa na ngayong co-facilitator si Jiro sa isang rehabilitation center sa Bataan. Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya noon, nang siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagama't nami-miss ang pamilya, maayos ang pamumuhay ni Jiro na malaki umano ang pinagbago. Hanggang ngayo'y labis pa rin ang pasasalamat niya sa tumayo sa kanya bilang ina na si Aiai Delas Alas.

Matatandaang ibinulgar ng isang netizen ang diumano'y tunay na nangyari hinggil sa kasong kinasangkutan ng ni si Jiro noonng taong 2020. Ayon sa kanya, kaya daw nagawa iyon ni Jiro ay dahil sa ginawang paghampas ng lalaki sa dating child star gamit ang helmet. Marami din daw ang nakasaksi sa pangyayari at ang dahilan daw ay nagkatitigan lamang sila. Pinasinungalingan din niya ang sinabi ng lalaking nasaksak na kaya siya naroroon ay dahil sa kaibigan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel